tikab

​Bakit lahat gusto ng love life?

Lahat gusto magka-love life?

Takot mawalan ng love life? 
Pag-usapan ang tungkol sa pagmamahal, sigurado lahat makikinig. 

Gustong matuto.

Gustong kiligin. 
Sa musika, nobela, pelikula, at kung ano-ano pa,

Bawat isa may naaalala’t inaalala. 

Nakakabahala man pero lubhang nakakapagtaka. 
Bakit nga ba sa bawat ritmong taglay ng musika may kirot sa pusong wala namang tenga?

Bakit sa bawat salita’t kilos ng karakter sa pelikula may hapdi sa pusong wala namang mata?

Bakit sa bawat ikot ng mundo, sa bawat ikot ng relo, sa bawat ikot ng ulo may panibagong yugtong nagdidikta sa utak galing sa puso?
Bakit tila mas makapangyarihan ang pusong di hamak na mas mababa sa utak? 

Bakit mas maraming piniling sundin ang tibok ng puso kumpara sa dikta ng utak? 

Bakit pati ako nabibiktima ng ganitong karamdamang walang lunas ? 
Mga katanungang parang gamo-gamong umiindak sa bawat ugat na dumadaloy sa utak.

Mga bugso ng damdaming parang matinding alon ng dagat na dumadaloy sa puso. 

Masakit sa puso, magulo sa utak na para bang sa bawat lingap ng oras may nababaling koneksyon. 
Ayoko nang ganitong pakiramdam. 

Magulo. 

Malabo. 

Masakit. 
Sa una lang masaya. 

Yung parang nakalutang ka’t kasamang sumasayaw ng mga ulap sa matingkad na kalangitan. 

Yung bawat segundong tumatanim sa ala-ala habang kasama ka. 
Lahat gusto ng love life.

Lahat gusto magka-love life.

Lahat takot mawalan ng love life. 
 Bakit? 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s