Para sa’yo

Medyo late na sa greetings. Pero baka nga di mo pa mabasa agad ‘to kasi busy ka sa kabi-kabilang celebration. Syempre graduate na eh. Congratulations!

Ayan garaduate ka na. Sana ma-achieve mo talaga yung gusto mong ma-achieve. Sana finally, you’ll realize kung saang field mo talaga gustong mag-end up and hindi ka magsasawa dun. I will not make this as a wish: I know magiging successful ka (instead of ‘Sana maging successful ka’). You’ll go places. Siguro ngayon medyo nasa stage ka na nagtatanong ka pa sa sarili mo kung ano talaga yung gusto mo, pero di rin magtatagal malalaman mo rin ‘yan. You just have to listen to yourself. Madalas kasi out of all people, yung sarili pa pala natin yung madalas nating hindi mapakinggan kasi masyadong maingay yung mga tao sa paligid natin and nadadala tayo ng pressure galing sa kanila.

Ano na bang plano mo? May mga job offer ba sa’yo? Tatanggapin mo ba?

Automatic sa mga fresh graduate na pagkatapos ng graduation, nilalakad nila yung kabi-kabilang documents nila: NBI clearance, Barangay Clearance, SSS, PhilHealth, PAGIBIG, BIR, etc. At kung ano pa mang dokumento ‘yan na kailangan sa kumpanyang papasukan nila. Pero yung iba, nage-enjoy muna, lumalayo, inaalam nila kung anong magandang next move na gagawin nila. Habang nasa bakasyon sila, sini-celebrate nila yung success na nakuha nila for graduating pero at the same time lumalayo sila sa pressure na pwedeng makuha nila na pwedeng makaapekto sa desisyon nila. Ito yung time na mapapakinggan mo yung sarili mo at medyo magkakaroon ka na ng idea sa kung anong trip mong gawin. Pwedeng dito mo umpisahan yung gameplan na gagawin mo sa path na lalakaran mo.

Pero alam mo, kahit di kita gaanong kilala tsaka nakakausap ng personal, nakikita ko naman na imposibleng di mo malalaman kung anong gusto mo. Naguguluhan ka lang talaga ngayon pero once na malaman mo na talaga at mapagdesisyunan kung ano ‘yon, tuloy-tuloy na ‘yan. Every first step naman talaga will always be crucial, and once you’re able to cross that crucial part, you’re already on your journey to success. At ‘yang success na sinasabi nila, lagi lang namang nakaabang sa dulo ‘yan, the more important thing is the journey towards success kasi dun ka natututo. Lahat tayo, lalo na yung mga fresh graduate na kagaya mo, palagi tayong mape-pressure ng “success” na ‘yan. After the pressure, there will be fears, doubts, etc. Dadaan ka sa time na pressured ka na, tapos in fear ka pa, tsaka doubtful ka pa. Feeling mo hindi mo na magagawa kung anong gusto mo. In the end, pupunta ka na lang sa “safe spot”. Dun sa spot na “at least malaki sahod dito”, “at least maraming benefits dito”, “at least may work na ‘ko”, at kung ano-ano pa. Pero f#ck the system, hindi ka magiging masaya sa field kung wala dun yung passion mo. Don’t ever settle for less just because you’re pressured and you don’t know what to do with your life.

Honestly, isa sa mga dinadasal ko na sana finally you’ll realize what you really want to do and you’ll enjoy your journey on your way to success. Malakas ka kaya kay Lord kaya alam kong tutulungan ka nya sa kung ano mang gagawin mo, pero he’ll never be able to help you if you’re not going to help yourself. Anlayo na ng narating mo oh, degree holder ka na. In fact nakuha mo na yung first phase ng success dahil naka-graduate ka na. Next step naman ngayon ang tinatawag nilang “real world”…

Kaya para sa’yo, welcome to the “real world”. The “real world” kung saan you’re the only one in-charge of your life, wala nang recitations, examinations, assignments, pero punung-puno ng hesitations, delusions, achievements lalo na kung what you’re doing is your passion. Welcome sa mundo ng mga empleyado na walang holiday, walang “no classes today”, pero pwedeng enjoy everyday 😀

Masarap magtrabaho especially if your passion and profession is in unity. You’ll never work a single day in your life if what you’re doing is what you really love sabi nga nila. Don’t live your life just working, instead do other things beside your job that will also make you happy. Mas masarap gumala, kumain, bumili ng kung ano-ano, at tumulong sa mga nangangailangan kung sarili mong pera yung ginagastos mo mula sa trabahong gusto mo 🙂

Fresh grad … salute!

kmtm
The author as she graduated last April 2015 at PICC.
20
Polytechnic University of the Philippines (Bachelor in Broadcast Communication) Batch 2015

 

 

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s